Kultura ng Pilipinas

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

                                

                           ITO ANG MGA HALIMBAWA NG KULTURA NG PILIPINAS
                         



  ANG PAGHAHARANA SA ISANG MANLILIGAW
Image result for kultura ng pilipinas
Image result for kultura ng pilipinas





ANG PAGBABAYANIHAN
Related image




ANG PAGGUNITA SA MGA PISTA
Related imageRelated image





Marami tayong iba't ibang kultura at kasaysayan mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Ngunit ang iba sa mga mga kultura ay hindi man naalis o nakalimutan at may mga nadagdag na pagbabago. Marami na tayong ginawa upang mas makilala pa ang ating  bansa.


Paniniwala ng Pilipino

Bawal magbunot sa gabi.

                Meron isang beses nagbunot ako ng gabi, sabi ng tita ko “ui di mo ba alam , bawal magbunot pag gabi?? naiingayan yung mga nasa ibaba”.  Napaisip ako  “ sinong nasa ibaba? may tao?? natutulog?? “ haha, pero kapag bata ka pa maiisip mo sila satan o mga demonyo ang nasa ibaba. At di ba dapat gising sila ng gabi ?? 



Bawal magwalis kapag may patay.
                Napansin niyo ba kapag burol napkakalat? Dahil ito sa paniniwala ng mga pinoy na bawal magwalis kapag may patay. Sinasabi nila na kapag nagwalis ka ay may susunod kaya wala nang nagbalak magwalis kapag may patay. Ok na sana kaso may mga taong nagtatapon na lang basta ang masaklap, di niya kaanu anu yung namatay o namatayan, kumbaga napadaan lang.


Kapag sinabi mo ito ”mamamatay si “ganto”” ,kailangan kumatok ng 3 beses. 
                Natry mo na to nu ?? hehe. Kapag hindi ka kumatok magkakatotoo, kaya kumatok ka na ,kaw din, kargo mu pa kung mamatay man. haha.





  Ang mga paniniwalang ito ay maaring makatotohanan dahil ito'y nakasanayan na ng ating mga ninuno. Hindi ito mabubuo kung hindi ito nangyari sa totoong buhay kaya habang mas maaga pa ay sundin nalang natin ito , wala namang mawawala diba?
  Ang tanong ko lang ay kailan pa  kaya ito magwawakas? mukhang imposible yata yun dahil kahit saang lupalop pa ng Pilipinas ang pupuntahan natin ay alam na alam nila ang tungkol dito. At bilang pahabol , gusto kong malaman niyo na kung gaano ako kinalibutan sa mga paniniwalang ito.






    PAGPAPAHALAGA SA PAGIGING                                                             MAMAMAYAN NG ASYA

Halos lahat ay mayayaman kaunti lamang ang mahihirap. Mauunlad ang kanilang mga bansa kaya may ibang mga Pilipino na nangangarap na magkatrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa kanilang pamilya. Pero napapansin mo ba ang kakaiba sa ating bansa na wala sila? Kahit mahihirap lamang ang ibang mga Pilipino, nagkakaroon tayo ng pagmamahal at malapit sa ating pamilya. Inaalagahan natin, minamahal ang ating mga magulang ngunit sa ibang bansa ilalagay na lamang nila sa Home for the Aged. Ang mga Pilipino ay may katangiang ngumiti dahil sa tayo magiliw na tao hindi gaya ng ibang bansa na walang oras ngumiti dahil sa seryoso sa kanilang gawain araw araw. Kaya maraming mga tao doon na namamatay ng maaga, walang kaligayahan sa kanilang buhay at naghahangad ng saya dahil sa wala silang oras na mag-aksaya ng panahon para sa kanilang buhay.
Kaya kahit hindi maulnlad ang ating bansa, ipinagmamalaki ko parin ang ating bansa dahil sa tayo ay may katangiang tumulong, may pagmamahal sa ating pamilya at pagiging makatao sa ating kapwa tao.

Mga Komento